Ni FRANCIS T. WAKEFIELD
NAKATAKDNG magtanghal sa series of concerts sa Pilipinas ang lead singer ng bandang nagpasikat sa Passenger Seat at Out of My League upang makalikom ng pondo para sa mga sundalong nasugatan sa sa giyera sa Marawi.
Sa press briefing na isinagawa sa Luna Hall ng Philippine Army Officers Club House, Fort Andres Bonifacio, Taguig City nitong Miyerkules, sinabi ng Stephen Speaks leader at American singer-songwriter na si Rockwell Ryan Ripperger na ang concerts na gaganapin sa Manila, Iloilo at Boracay, Aklan; ay magsisilbing pasasalamat niya sa mga mamamayang Pilipino na tumulong sa paglulunsad ng kanyang singing career noong 2000s.
Ang “Alive to Fight Tour” ng Stephen Speaks sa bansa ay magsisimula sa Enero 18 hanggang Pebrero 17.
“When I was a kid, the Philippines helped me launched my music career and was so supportive of me and we wanted to do a benefit. That’s the least I could do to help out, give a little, a little back to a country that has given me so much,” pahayag ni Ripperger sa mga reporter.
Nagkuwento si Ripperger na mabilis na kumalat ang balita sa United States tungkol sa limang buwang Marawi siege at agad siyang nagdesisyon na tumulong sa mga sundalong nasugatan sa labanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng concert.
Sinabi niya na nabuo ang plano sa concert habang nasa kasagsagan pa ang giyera sa Marawi City.
Sinabi naman ni Army spokesman Lt. Col. Ray Tiongson, na ang benefit concert ay magpapalakas ng morale ng mga nasugatang sundalo.
“Right now, we have, still have around 96 personnel who are still confined both in the Army General Hospital [in Fort Bonifacio] and in the Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center in V. Luna, so (this concert) will definitely boost their morale,” sabi ni Tiongson sa mga reporter.
“This will also help them recover fast so that they could still serve our country,” dagdag niya.
Ito ang ikatlong pagpunta sa Pilipinas ni Ripperger, ang lead singer ng three-man band na Stephen Speaks na sumikat nang husto sa bansa noong 2003.
Ang Stephen Speaks “Alive to Fight” Tour ay gaganapin sa mga sumusunod na petsa at venue:
-Jan 19 University of San Agustin Gymnasium in Iloilo
-Jan 21 meet local musicians 5pm (Iloilo)
-Jan 22 St. Paul University in Iloilo
-Feb 10 Playback Music Festival (Manila)
-Feb 11 back in Iloilo
-Feb 14 Boracay (venue to be announced)
-Feb 17 Fort Bonifacio.