Ni Liezle Basa Iñigo

Pinaniniwalaan ng pulisya na posibleng inatake ng sakit sa pag-iisip ang isang 19-anyos na lalaki nang mapatay nito ang sariling ama na paulit-ulit nitong tinaga sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Barangay San Salvador sa Echague, Isabela, nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Renato Calungay, 50, tubong Bgy. Busilelao, Echague, na napatay umano ng sarili nitong anak na si Everdave Calungay.

Sa nakarating na report kahapon mula sa Police Regional Office (PRO)-1, dakong 10:30 ng umaga nitong Miyerkules nang mangyari ang insidente sa Sitio Matartarang sa Bgy. San Salvador, Echague.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Nasa kainitan umano ng pagtatalo ang mag-ama nang bumunot ng itak ang nakakabatang Calungay at pinagtataga umano ang ama.

Kaagad namang binawian ng buhay ang biktima dahil sa dami ng tinamong taga sa katawan.

Naaresto at pansamantalang ipiniit sa himpilan ng pulisya ang suspek.