DIREK MARK AT CAST NG 'CURE' copy

NAG-STORYCON na para sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na The Cure.

Ang sabi ng source namin, tungkol sa mga zombie ang tema nito na ikina-excite at ikina-curious ng Kapuso viewers. Sa April na raw ang airing ng bagong show na ididirihe ni Mark Reyes.

Star-studded ang cast ng The Cure sa pangunguna nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez kasama si Jaclyn Jose. First time na pagtatambal ito sa teleserye nina Jennylyn at Tom. Makakasama rin nila sina Mark Herras, Arra San Agustin at Ken Chan. Siguradong may madadagdag pang cast habang tumatakbo ang teleserye.

Lifehacks

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'

Sa isang TV interview, nabanggit ni Tom na ang role niya ay isang lab technician.

“First time (ko) sa ganu’ng role at excited ako dahil magagamit ko ang interest ko sa science,” sabi ni Tom. “First time ko rin to work with Jennylyn in a teleserye and I’m excited. Sa Lenten special ko siya unang nakasama at marami akong natutunan sa kanya. It’s an honor na makatrabaho uli siya at sa teleserye pa.”