Ni Jun Fabon

Inaresto ng mga operatiba ng anti-illegal drugs ng Quezon City Police District (QCPD) ang umano’y tulak ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Pagasa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report na ipinarating kay QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang inaresto na si Mark Joven Lagas, 22, residente ng Road 4, Bgy. Pagasa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si Lagas sa QCPD makaraang kasuhan ng paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Base sa imbestigasyon, ikinasa ng mga operatiba ng QCPD-Station 4, sa pamumuno ni Police Supt. Carlito Grijaldo at sa koordinasyon ng PDEA-NCRO, ang operasyon sa bahay ng suspek, dakong 2:00 ng madaling araw.

Pagkaabot ng poseur-buyer ng P1,000 bilang kabayaran sa biniling droga, nagsulputan ang awtoridad at inaresto si Lagas.

Nakumpiska kay Lagas ang walong pakete ng pinatuyong marijuana, isang stalk ng marijuana na nasa plastic bag, weighing scale, buy-bust money at P80,000 halaga ng marijuana.

Ayon sa awtoridad, nakatakas sa operasyon ang target at ang pinagkunan ng droga na si alyas Ogie.