ISASAGAWA ng NCAA ang ‘Solidarity Run 2018: “Bangon Marawi” sa Enero 28 sa Rajah Sulayman Baywalk sa Roxas Boulevard upang makalikom ng pondo na ibabahagi sa mga kababayan na apektado ng gulo sa Marawi City sa Lanao del Sur.

Ayon kay Management Committee chair Fr. Glynn Ortega, OAR of Season 93 host San Sebastian, ang isang araw na programa ay isa lamang sa mga nakalinyang charity fun run na isasagawa ng liga para mapalaganap ang buting idudulot ng sports sa kalusugan at makatulong sa mga abang kababayan.

The event is aiming to help our brothers and sisters who are affected by the Marawi siege,” sambit ni Ortega. “We also want to promote to our students and alumni to stay fit by joining running events like this and other sports events as well.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahan ng liga ang partisipasyon ng 5,000 runners at sports enthusiast gayundin ang mga guro at estudyante ng 11-miyembrong eskwelahan.

Suportado ang programa ng Smart Communications, Pocari Sweat, Prime Powergraphix at Maynilad. Tampok ang mga event na 1k at 3k (kids), 3k, 5k at 10k (adults).

Sa mga nagnanais na makilahok, magpatala sa www.tinyyurl.com/ncaapreregistration o sa Facebook page ng NCAA chools.