Ni AFP News
MAS maliit ang tsansang magkaroon ng diabetes ang mga babaeng nagpasuso sa kanilang sanggol sa loob ng anim na buwan, ayon sa isang pag-aaral.
Ang pag-aaral na ibinatay sa tatlong dekadang pag-aaral sa Amerika sa mahigit sa 1,200 puti at African-American na babae kababaihan ay inilathala sa Journal of the American Medical Association (JAMA) Internal Medicine.
“We found a very strong association between breastfeeding duration and lower risk of developing diabetes, even after accounting for all possible confounding risk factors,” ayon sa pangunahing may akda na si Erica Gunderson, kasama ang senior research scientist na si Kaiser Permanente.
Natukoy sa pag-aaral na ang mga ina na nagpasuso sa loob ng anim na buwan o higit pa ay mas mababa ng 47 porsiyento ang panganib na magkaroon ng Type 2 diabetes, kumpara sa mga hindi nagpasuso.
Ang mga babaeng nagpasuso ng anim na buwan o mas mababa pa rito ay mayroon namang 25 porsiyentong mas maliit na tsansa na magkaroon ng diabetes.
Iminungkahi ng mga mananaliksik na sa pagpapasuso ay maaaring nakapaglalabas ang mga ina ng protective effects sa pamamagitan ng hormones na matatagpuan sa pancreas, at kumokontrol sa blood insulin levels at blood sugar.
“The incidence of diabetes decreased in a graded manner as breastfeeding duration increased, regardless of race, gestational diabetes, lifestyle behaviors, body size, and other metabolic risk factors measured before pregnancy, implying the possibility that the underlying mechanism may be biological,” lahad ni Gunderson.
Ipinakita sa mga nakaraang pag-aaral na ang pagpapasuso ay mayroon pang ibang pangmatagalang benepisyo sa mga ina, kabilang ang mas maliit na tsansang magkaroon ng kanser sa suso at ovary.