Ni Reggee Bonoan

PALAISIPAN sa mga manonood ng La Luna Sangre kung kaya bang patayin nina Malia (Kathryn Bernardo) at Tristan (Daniel Padilla) ang isa’t isa gayong labis silang nagmamahalan.

DANIEL AT KATHRYN copy

Bagamat wala pang matibay na ebidensiya si Malia kung buhay na nga si Tristan, pinaghahandaan na niya na baka maging mortal niya itong kalaban batay sa propesiya.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

Ipinagpipilitan ni Malia bilang Punong Bantay sa meeting ng mga liderato ng La Luna Unida na paghandaan ang bagong pangulo ng Pilipinas dahil duda niya ay hawak ito ni Supremo (Richard Gutierrez, na totoo naman), kaya ang una nitong proyekto ay magkaroon ng ID system para malaman ang identity ng lahat ng tao kung kalaban o kakampi.

Pero mahigpit na kinokontra ni Ketchup Eusebio (isa sa LLU) si Malia, huwag daw mag-isip ng negatibo (ayaw ni Kris Aquino ng ganyan) dahil hindi ito magiging maganda sa kanilang negosyo.

Kaya palaisipan sa manonood, kasama na kami, dahil sa tuwing nag-iisa si Malia at nag-iisip ay nasa di-kalayuan si Tristan na tinitingnan siyang hindi mawari kung pinag-aaralan ang susunod na hakbang o baka naman tinutupad lang ng binata ang pangakong hindi niya iiwanan o pababayaan ang babaeng minamahal.

Kaso paano, magkalaban na sila ngayon dahil dugo ni Sandrino/Supremo ang nananalaytay kay Tristan simula nang buhayin siya nito at higit sa lahat, magkapatid sila. Sabi nga, blood is thicker than water.

Pero may magandang anggulo ang isang manonood ng La Luna Sangre na ang sabi sa amin, “Baka naman pinasasakay lang ni Tristan si Supremo na kunwari magkakampi sila para makuha ang loob ng kapatid. ‘Tapos sa ending sila pala ni Kathryn ang magkakampi.”

Ha-ha-ha, nasa ending ng istorya na kaagad ang kuwento ng viewer. Oo naman, siguradong ganu’n ang mangyayari, pero baka isa sa kanila ang mamatay. Remember, fantaserye ang La Luna Sangre na uubra ang paulit-ulit na pagkabuhay ng characters, di ba, Bossing DMB?

Siyanga pala, may artista na ayaw magpabanggit ang pangalan na nagtanong sa amin ng, “Reggs, patay na ba talaga si Angel (Locsin)? Hindi na ba siya babalik sa ibang karakter? Parang naging malungkot na kasi si Richard, ha-ha-ha!

‘Kita mo, nagbago na ng itsura, naging rockstar na ang dating, ahit ang kilay at buhok, iba na ang style.”

Bukod sa artistang ito, marami pang nagtatanong sa amin tungkol kay Angel at sinabi naming hindi na babalik dahil hindi na kayang pagsabayain ng aktres ang taping ng Pilipinas Got Talent 6 at shooting ng bago nilang pelikula ni Richard. Yes, sa movie na sila muling makikita, e, kaya bago ang hair style ng aktor, dahil sa movie nila.