Ni Genalyn D. Kabiling

Muling itinalaga ni Pangulong Duterte si Sheriff Abas bilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec).

Nilagdaan ng Pangulo ang nomination paper ni Abas nitong Enero 16, at matatapos ang termino ng huli sa Pebrero 2, 2022.

Si Abas, dating poll commissioner, ang papalit kay Andres Bautista, na nagbitiw noong nakaraang taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaliwanag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na muling itinalaga si Abas sa Comelec dahil ang unang appointment paper nito ay “unacted upon by CA (Commission on Appointments).”

“By virtue hereof, and upon consent by the Commission on Appointments, you may quality and enter upon the performance of the duties of the office,” saad sa nomination paper ni Abas.