26734519_1569060239797547_7572485548633208882_nILALARGA ng ICA-Xavier ang 2018 Xavier Family Stallion Run sa Enero 21 sa Xavier School San Juan High School Football Field.

Ang 2018 Family Stallion Run ay isang tradisyon na nagsimula bilang ICA-Xavier Fun Run noong dekada 80 hanggang 2000s at inorganisa ng Xavier School Parents Auxiliary (XSPA) at ICA Parents Association (ICAPA).

Matapos ang ilang taong pamamahinga, binuhay ang programa ng Xavier Batch 1986 noong Hulyo 10, 2011 bilang pagdiriwang sa ika-55 taon ng anibersaryo ng Xavier School at Silver Jubilee ng Xavier School Batch 1986.

Mula sa taguring Xavier School Runathon (Fun Run and Marathon), nakilala ang programa bilang Xavier Family Stallion Run at isinaagawa tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Enero. Patuloy ang pagtutulungan ng Xavier School Community, tampok ang XSPA, AAXS at Xavier Batch 1986. Para sa 2018 edition, nakibahagi ang Xavier School Class 1994 bilang paghahanda na rin sa kanilang Silver Jubilee sa 2019.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bukas ang karera para sa lahat nang nagnanais na makibahagi. Inaasahang lalahukan ito ng mga personalidad sa pulitika at showbiz na patuloy ang pakikiisa sa mga programa ng eskwelahan.

Naunang isinagawa ang pagbabalik ng Stallion Run sa Greenhills Shopping Center tampok ang kategorya sa 3k, 5k, at 10k. Idinagdag na rin ang 1k category para mga paslit.

Bukod sa runner’s shirt (singlet) at loot bag, tatanggap din ang mga kalahok ng finisher’s medal. Ang Fr. Pierre Tritz Institute – ERDA Tech ang beneficiary ng Stallion Run.