Ni ADOR SALUTA

TRENDING nationwide at maging sa international viewers ang pilot episodes ng Pilipinas Got Talent Season 6 na sina Angel Locsin, Freddie M. Garcia (FMG), at Robin Padilla uli ang judges at hosts naman sina Toni Gonzaga at Billy Crawford.

VICE GANDA copy

Sa January 10 auditions na kinunan sa Tanghalang Pasigueno Caruncho sa Pasig City Hall Complex, tinanong si Vice Ganda kung ano ang hinahanap niya sa contestants para pindutin ang Golden Buzzer. Ang masuwerteng contestant na pagkakalooban ng Golden Buzzer ay awtomatikong kasama na sa semi finals.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Hindi ko alam kung ano ‘yung hinahanap ko talaga, ‘yung specific na nire-require ko,” sagot ni Vice. “Siguro I’ll just wait for the moment na talagang naapektuhan ako nu’ng napanood ko, saka ko pipindutin ‘yung Golden Buzzer.

“Dahil suki na ang It’s Showtime host as PGT judge, marami na rin siyang nakikitang pagkakapare-pareho sa contestants.

“Alam mo, ‘yung mga performances to be very honest, halos paulit-ulit na rin, eh. Sa dami ng contest like It’s Showtime, Pilipinas Got Talent, meron pang Little Big Shot, ang daming programa na nagso-showcase ng iba’t ibang talent ng mga Pilipino, so, hindi maiiwasan na mayroong mauulit at mauulit na mga acts. Pero ang kaibahan sa season na ito, hindi lang ‘yung mga acts ‘yung aabangan mo, maging ‘yung ganap ng mga judges at mga hosts. Together with the other judges or together with the hosts kasama ‘yung mga contestants, ‘yun ‘yung mga aabangan n’yo sa season na ito.”

Wala naman daw silang disagreements pero welcome naman kung sakaling magkakaiba ang taste nila sa bibigyan ng “yes” vote o anuman.

“That’s what makes it more exciting kapag may mga disagreements. Boring naman kasi ‘yung yes kaming lahat or no kami.

Magkakaiba kaming tao, maganda rin ‘yung pagtanggap sa amin ng mga tao sa batch namin bilang mga judges last year at ngayong taon, kasi diverse ang mga judges, may iba’t iba kami ng karakter, iba’t iba kaming klaseng tao na ‘pag pinagsama-sama mo para magbigay ng kanya-kanyang opinion, mayroong star-builder, mayroong action star, may artistang babae at may baklang komedyante, kaya iba-iba talaga, kaya imposibleng magkakapare-pareho kami ng opinion kasi nga iba-iba kaming tao, and we are so free to express our own opinions.

“Hindi kami required or hindi kami nahihiya to disagree with the other judges’ comments and opinions. At madaming nangyaring ganu’n sa season na ito, kaya mabibigla kayo na may malalalang disagreements na, ‘Ay hindi.’ Hindi ‘yung basta nag-disagree lang, pero malalang talakayan at pagtatalo na naganap nitong season na ito.

“Nakaka-stress! Ako nga na-stress ako, eh. Nandu’n ako nu’ng nangyari ‘yun, eh. Napa ‘Oh My God!’ na lang ako. Pero eventually, ang ganda, ang galing, kasi ang tapang ng lahat ng judges. ‘Yung hindi rin pagagapi sa sariling opinion!

Ang galing!”

Naitanong din kay Vice ang tungkol sa update ng kinita ng kanilang 2017 Metro Manila Film Fest entry na The Revenger Squad.

“’Yung target ko na P1 billion is on its way. Ang saya kasi unlike last year after the ninth day saka pa lang ako naka-P300 million. Parang ngayon after 5 days ay naka P300 million na ako, mas mabilis ‘yung kinita. Mas mabilis ‘yung kita ng pelikula ko ngayon compared last year.”

Ang previous movie na tinutukoy ni Vice Ganda ay ang The Super Parental Guardians na pinagbidahan nila ni Coco Martin. Hindi iyon nakasama sa MMFF 2016 kaya November 30 (2016) ipinalabas.

“After two weeks ngayon naka-P540 million na ako (for The Revenger Squad), hindi pa kasama ‘yung international screenings at ‘yung mga susunod pa na linggo.

“Last year kasi, isang buong run (ng The Super Parental Guardians) kasama ang international screenings ay P598 million lang. Eh, ngayon pa lang ay nakaka-P540 million na ako.

“’Tapos bagong record na naman ‘yung pelikula ko na ito (Revenger). Ito ‘yung pelikula ko na may pinakamalaking kita nu’ng first day on gross, almost P8 million ‘yung kinita ko on its 1st day.”

Masaya rin ang ABS-CBN host na nakuha ng The Revenger Squad ang People’s Choice award at hindi ng MMFF Executive Committee o jury members ang pumili.

“Doon sa awards night naman nakuha ko rin yung isa sa pinakamahalagang award, ‘yun yung People’s Choice Aaward.

Napakahalagang award na ‘yun para sa ‘kin kasi, hindi ‘yun ang nagre-represent ng opinion ng organisasyon, ito ay nagre-represent ng opinion ng buong Pilipinas kaya siya naging People’s Choice Award,” pagtatapos ni Vice.