gamboa copy

KAKASA ulit sa PBA D League ang Gamboa Coffee. At sa pagkakataong ito, ang NCRAA champion St. Clare ang magdadala sa koponan ni basketball patron Louie Gamboa.

Kumpiyansa si Gamboa sa magiging kampanya ng koponan bunsod nang determinasyon na nakikita niya sa galaw ng mga players sa ensayo.

“Palaban ang team na ito at kahit wala kaming matatawag na superstars, balanse ang komposisyon ng team at naniniwala akong lalaban ito at makikipagsabayan ng husto,” pahayag ni Gamboa.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang 2018 Gamboa Coffee team ay binubuo nina Christopher Bitoon, Joshua Alcober, Aristotle Dionisio, Junjie Hallare, Carl John Catura, Rafael Rebugio, Mohamed Pare (Import), Joshua Fontanilla, Joseph Penaredondo, Aeron Decano, RV Jumaquioi at John ABJ Ambuludto.

Ang coaching staff naman ay binubuo nina coach Jino Manansala at katuwang niya ang kanyang ama na si PBA Legend Jimmy Manansala at ang mga assistants na sina JR Manansala, Nikko Bermido and Jeric Baylen. Team Managers naman sina Ray Adalem, Marc Louie Gamboa at Grace Vergara.

Nadagdagan ang team ng isang consultant sa katauhan ni Chris Saunders.

“I’ve seen the guys played and won some exhibition games and I can say they really have a future,” sabi ni Saunders.

“The major factor, I observed, that would make them fit into these league, though considered as newbie, is ATTITUDE, “ aniya.

“Definitely, it’s the players’ attitude that will determine the team’s altitude in this league.”