Ni Aaron Recuenco
Isang 81-anyos na lalaki ang nasawi sa isa sa mga evacuation center sa Albay sa kasagsagan ng pinaigting na preemptive evacuation ng mga lokal na pamahalaan sa harap ng tumitinding banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, na kabilang si Teodolo Precia sa 350 evacuees sa Mayon Elementary School mula sa Barangay Buang sa Tabaco City, na kabilang sa mga apektado ng ash falls.
“He was among the evacuees. He was found dead at around 5 a.m. (Tuesday). He died due to old age,” ani Gomez.
Mahigit 21,000 ang nakatuloy ngayon sa iba’t ibang evacuation center sa Ligao, Tabaco, Camalig, Guinobatan, Daraga, at Malilipot.