dragon copy

Ni Marivic Awitan

PINATUNAYAN National paddlers na hindi sila pahuhuli sa bilis at diskarte maging ang labanan ay sa yelo.

Sa kabila ng kakulangan sa kamalayan hingil sa malamig na klima na nagdudulot ng pagulan ng niyebe, nagpamalas ng kahusayan sa pagsagwan ang National Dragon Boat team laban sa mga karibal na sanay sa yelo.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Nag-uwi ang 14-man team ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation ng isang silver at bronze medal sa idinaos na 1st World Ice Long Zhou Dragonboat Championships kamakailan sa Doulon, China.

Pinangunahan nina PCKDF president Jonne Go, tumayong drummer ng team at headcoach Leonora Escollante na nagsilbing steerman ng grupo, tumapos na pangatlo sa 14-crews sa 100 meter finals at pangalawa sa 200 meter finals sa kompetisyong nilahukan ng may 22 koponan mula sa European at East Asia.

Naorasan ang Pinoy paddlers ng 26.63 segundo sa 100 meter finals kasunod ng nagwaging Russia (25.34) at pumangalawang Hungary (25.45).

Pumangalawa naman sila sa nagwaging Russia sa 200 meter finals makaraang maorasan ng 46.37 mas mabilis sa pumangatlong Hungary (47.48) at pumang-apat na host China (50.68).

Bukod sa mga nabanggit na bansa, ang iba pang kalahok sa karera na gumamit ng spiked paddles at bangkang may ski blades ay ang Great Britain, USA, Taiwan, Canada at Hongkong.