Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Nababahala ang mga senador sa anila’y nakaambang pag-atake sa press freedom sa bansa kasunod ng pagpapasara ng Security and Exchange Commission (SEC) sa online news website na Rappler.

Sinabi ni Senator Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na nais niyang matiyak na ang naging pasya kahapon ng SEC ay hindi makaaapekto sa malayang pamamahayag at sa karapatang magpahayag ng saloobin.

Aminadong hindi pa niya nasusuri ang sinasabing mga paglabag ng Rappler, sinabi ni Poe na kinikilala niya na may mga prosesong kailangang sundin, gaya ng requirements sa mga kumpanya ng media.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“As long as it will not silence and stop groups or organizations’ freedom to express, that’s what I wanted to be assured of… It should not prevent an organization from news reporting, or expressing opinions, that are done in accordance with law,” ani Poe.

Tinutulan naman ni Senate Justice and Human Rights Committee chairman Sen. Richard Gordon ang aniya’y “sudden” na pagbawi sa registration ng news website, at iginiit na dapat na may malinaw at legal na basehan ang SEC sa naging pasya nito.

Tinawag naman ni Sen. Riza Hontiveros ang nabanggit na SEC order bilang “pure harassment” at isa aniyang “sign” ng pagpigil sa press freedom, lalo na at sinasabing kritikal ang Rappler sa administrasyong Duterte.

Sa kanilang panig, nanindigan naman ang Rappler “[to] continue bringing the news, holding the powerful to account for their actions and decisions, calling attention to government lapses that further disempower the disadvantaged.”