Ni Annie Abad

TARGET ng siklistang si Jan Paul Morales ang makapag laro sa 2019 Southeast Asian Games matapos pangunahan ang men’s elite race ng katatapos na Philippine National Cycling Championship nitong Biyernes.

Ayon sa miyembro ng Philippine Navy standard Insurance team na si Morales, nais niyang paghandaan ang ilang mga international competition kabilang na ang SEA Games kung saan matagal na niyang inaasam na muling maging bahagi ng PH Team.

“Gusto ko kasi maging part ulit ng national team at makapadyak sa 2019 SEAG games, since dito naman sa atin gagawin,”pahayag ng 32-anyos na si Morales.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dati nang nasa hanay ng Philippine team si Morales, ngunit dahil sa hindi siya nakasabay pagsabak ng koponan sa ilang kompetisyon ay kinailangan niya muna na magpahinga buhat dito at sumabak sa ilang prestihiyosong cycling competition.

Matapos ang kanyang naging tagumpay sa nakaraang kompetisyon sa National tilt ng PruRide, pinaghahandaan na ngayon ni Morales ang Le Tour at Ronda Pilipinas na magaganap sa kalagitnaan ng Mayo ngayong taon, bago siya ulit mag eensayo para sa National team.

Tumapos si Morales ng 42 minuto at 55 segundo upang kunin ang titulo sa naturang category ng nasabing kompetisyon.