Ni REGGEE BONOAN

SALUDO kami sa nabuong pagkakaibigan nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto kasama na rin ang kanya-kanyang partner na sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Pampi Lacson, Jr. at siyempre ang kani-kanilang mga anak na sina Thirdy, Hiromi Eve at Gab.

JODI AT THIRDY copy

May inside information kami kung bakit kakaiba sina Jodi at Iwa sa ibang ex-partner at current wife ng iisang guy. Nakakabilib na magkasundung-magkasundo sila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Dahil magkasundo sina Jodi at Iwa, naging magkaibigan na rin sina Jolo at Pampi.

Gayundin ang mga anak sa ganitong family set-up, kapag ang nanay o tatay ay may iba nang mahal, nagmamaasim din lalo na kung may mga anak din.

Pero kakaiba ang relasyon nina Gab (anak ni Jolo) na malapit sa Tita Jodi niya, younger brother ang turing kay Thirdy at youngser sister naman ang turing kay Eve. One big happy family sila.

Kaya sa panayam kay Jodi pagkatapos ng presscon ng Sana Dalawa Ang Puso, masayang-masaya niyang ikinuwento na wala na siyang mahihiling pa sa friendship nila ni Iwa.

“Ako, I am very happy din sa relationship nila and I am very thankful din du’n sa friendship namin ni Aileen (Iwa) at nagpapasalamat ako kasi si Aileen din ‘yung tumatayong pangalawang ina ni Thirdy ‘pag nandoon siya sa daddy niya. And of course, doon sa nag-blossom na friendship namin,” kuwento ng lead actress ng SDAP.

Obviously, hindi na kailangan ni Jodi ang dalawang puso para magmahal ng dalawang lalaki dahil kuntentung-kuntento na siya sa kasalukuyang partner niya ngayon.

Samantala, mas napapahanga ni Jodi ang lahat na kahit masyadong busy sa trabaho ay nagawa pa rin niyang tapusin ang pag-aaral niya. At hindi lang ‘yun, dean’s lister pa siya sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges. Di ba nga’t pangarap ng aktres na maging doktor.

“It really all started with this dream that I never let go of and siyempre dumating ako sa point ng life ko wherein I decided I needed to pursue that dream and once that I have decided, I really made time for school,” kuwento ng aktres.

“I know my work will always be here and siyempre hindi mo na naman maiaalis ‘yun, di ba? But then I am also thankful to ABS-CBN, that they allowed me to, you know, pursue my dreams so it is really about finding your time to do something that you like and fighting for that time.”

Nakiusap siya sa ABS-CBN management na bigyan siya ng isang araw para sa pag-aaral.

“That is every Tuesday from 8 AM to 5 PM so ‘yung araw na ‘yun talagang hindi ko pinapagalaw ‘yun and my family naman has been very understanding and very supportive in my dreams kasi alam naman po nila ‘yun kung ano ang nasa heart ko,” sabi pa ni Jodi.

Sinikap niyang magtapos ng pag-aaral para maging mabuting ehemplo kay Thirdy.

“Siyempre as a mother I want to be able to lead by example,” aniya.