Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Kritikal ang lagay ng isang 31-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng pinsan nitong magsasaka sa Sitio Mauplas, Barangay Pinasling, Gerona, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Joemark Manantan habang ang suspek ay si Nestor Tabago, 55, kapwa residente sa nasabing lugar.

Dakong 8:50 ng gabi nang marinig umano ni Tabago na sinisigawan ni Manantan ang kanyang mga magulang, na nauwi sa pagtatalo ng dalawa hanggang sa mataga ni Tabago si Manantan, na kritikal ngayon sa ospital.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon