Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar presented today, January 15, 2018 at QCPD Offiice four suspects namely: Royland Gallego, Vicente Taboso, Amante Plaza Jr. and Aldin Plaza accused in a mauling and stabbing incident last January 1, 2018 at Payatas A, Quezon City. (Kevin Tristan A. Espiritu)

Ni Jun Fabon

Sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon ang apat na salarin sa pagpatay sa dalawang katao at pananakit sa dalawa pa noong New Years Eve.

Nakapiit ngayon sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal sina Royland Gallego, 34; Vicente Tamoso, 26, kitchen helper; Amante Plaza Jr., 28, janitor; at Alden Plaza, 39, kitchen helper, lahat ay residente ng Camia Street, Lower Jasmin Ext., Barangay Payatas, Quezon City.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Iniulat ni Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, PDir Oscar D Albayalde, na boluntaryong sumuko ang apat na suspek sa Quezon City Police District Special Operations Unit (DSOU) ganap na 9:00 ng umaga nitong Sabado.

Patuloy pa rin ang pagtugis sa tatlo pang kasabwat ng mga suspek na kinilalang sina Ronald Suterio alyas Liit, Bernard Busilan at isang John Doe.

Matatandaan na noong Enero 1, 2018, dakong 3:30 ng madaling araw, sangkot ang apat na suspek sa pananaksak at pagkamatay nina Hasim Sapad at kapatid nitong si Sehaboden Lumna, at pagkasugat nina Umair Abdulwahid, 28, at Khalid Sapad na 19 taong gulang.

Lumitaw sa imbestigasyon, na noong New Year’s eve, habang nag-iinuman ang mga biktima at kaanak sa Camia St., Bgy. Payatas, ay nag-iinuman din sa di kalayuan ang mga suspek. Dakong 3:30 ng madaling araw umano nang basta na lamang sumugod ang mga suspek at binugbog ang mga biktima na ikinasawi nina Sapad at Lumna.