Ni Bella Gamotea

Mawawalan ng supply ng tubig ang halos 11,000 bahay sa Taguig City simula ngayong Martes ng gabi, ayon sa Manila Water Company, Inc.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng supply ng tubig ang Barangays Central Signal, South Signal, ilang bahagi ng Western Bicutan (SS Brigade) at Pinagsama (EP Housing Phase I) simula 10:00 ng gabi ngayong Martes, Enero 16, hanggang 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Enero 17.

Ang temporary water interruption ay bunsod ng pagkukumpuni sa magkahiwalay na lugar sa Cuasay Road.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isasarado naman sa mga motorista ang naturang kalsada dahil sa service maintenance work sa lugar kaya inaabisuhan ang mga motorista mula sa C-5 na dumaan sa Sto. Niño Street upang makarating sa MRT Cuasay, bago ang 11th Street, habang ang mga sasakyan naman sa C-6 ay pinakakanan sa 10th Street, para makarating sa Sampaloc St., bago kumaliwa sa Molave St. patungong MRT Cuasay.

Ang nasabing rerouting scheme ay epektibo hanggang Pebrero 28 ng kasalukuyang taon.