NEW YORK (AP) — Itataya ni WBC heavyweight champion Deontay Wilder ang titulo laban sa walang talong si Luis Ortiz sa Marso 3 sa Barclays Center.

Galing si Wilder (39-0, 38 KOs) sa first-round knockout win kay Bermane Stiverne nitong November. Si Ortiz sana ang naunang nakalaban ni Wilder, ngunit pinalitan ito ni Stiverne matapos magpositibo sa droga.

Ito ang ikapitong pagdepensa ni Wilder sa korona. Si Ortiz (28-0, 24 KOs) ang ipinapalagay na matikas na karibal para sa kanya.

Matikas ang kampanya ni Wilder sa Barlays, kabilang ang panalo kina Stiverne at 2016 knockout lay Artur Szpilka.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!