venus copy

MELBOURNE (AP) – Wala si Serena Williams. Sibak din sa unang sigwa ng aksiyon ang nakatatandang kapatid na si Venus.

Maagang namaalam ang seven-time Grand Slam champion sa Australian Open – unang major tournament ngayong season – nang daigin ng sumisikat na 20-anyos Swiss Miss na si Belinda Bencic sa opening round nitong Lunes.

Nagulantang maging ang mga tagahanga na sumugod sa Rod Laver Arena nang magapi si Williams, 6-3, 7-5. Ito ang unang pagkakataon mula noong 1997 na walang Williams na lalaro sa second round ng torneo sa Melbourne Park. Umatras si Serena upang makapagpahinga mula sa pagsilang ng kanyang unang supling.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Huling naganap ang sitwasyon noong si Steffi Graf ang world number one at si Bencic ay dalawang buwan pa lamang isinisilang.

Ayon kay Bencic, natalo kay Serena sa straights sets sa opening round sa nakalipas na taon, pinaghandaan niya ang inaasahan niyang mabigt na laban.

“I would like to have played someone easier,” pahayag ni Bencic. “When I was a little girl watching on TV I would never imagine I would play them.”