Max, Rhian, Dennis at Lovi copy

Ni Nitz Miralles

MASASAGOTsa pilot episode ng The One That Got Away ang itinanong namin kina Dennis Trillo at Lovi Poe, na hindi nila sinagot, kung ikakasal o ikinasal sila sa istorya.

Ang bagong sexy rom-com series ng GMA-7 ay magpa-pilot na ngayong gabi, after Kambal Karibal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Napanood namin ang pilot episode sa isang special screening, pero bawal mag-spoiler, kaya panoorin n’yo na lang mamaya at malalaman n’yo ang sagot.

Magkaiba ang sagot nina Lovi at Dennis nang tanungin namin kung bakit naka-wedding gown si Lovi at naka-suit na parang groom si Dennis. Paduda ang sagot ni Lovi, pero si Dennis, ang totoong eksena ang isinagot na bawal pang sabihin.

Ang director of photography ng TOTGA na si Apollo Anao ang isinagot ni Lovi sa glossy look ng series, the same answer na ibinigay ng senior program manager na si Hazel Abonita nang tanungin namin kung sino ang responsable sa magandang cinematography at magandang ilaw ng serye. Sina Mark dela Cruz at Radu Peru naman ang dalawang director ng show.

“Nakakapanibagong gawin ang TOTGA dahil very light especially with Dennis,” kuwento ni Lovi. “We first worked together sa Regal Films movie na My Neighbor’s Wife na drama. Most of the scenes, nag-aaway kami. Ang last soap ko namang Someone To Watch Over Me with Tom Rodriguez, wala akong ginawa kundi umiyak. Minsan buong taping day, umiiyak ako. Pero itong TOTGA, chill lang, very light, pero magugustuhan ng viewers at marami ang makaka-relate. Maganda ang show, ina-uplift ang kababaihan. At lilinawin ko lang, walang competition sa amin nina Max (Collins) at Rhian (Ramos).”