TORONTO (AP) — Naging makapigil-hininga ang inakalang dominasyon ng Golden State Warriors sa Toronto Raptors nang maglaho ang 27 puntos na bentahe ng defending champion sa first half at manganilangan ng matinding depensa sa krusyal na sandali para maitakas ang 127-125 panalo nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Nagbalik aksiyon si Stephen Curry mula sa dalawang larong pahinga mula sa injury para makaiskor ng 24 puntos, habang tumipa si Klay Thompson ng 26 puntos para sa ika-12 sunod at ika-19 kabuuan sa road game – pinakamatikas na marka sa NBA.
Hataw si DeMar DeRozan sa nakubrang 42 puntos para sa Raptors, nabigo sa Warriors sa ikawalong sunond na pagkakataon.
Nag-ambag si Kevin Durant ng 25 puntos at nagsalansan si Draymond Green ng 14 puntos para sa Warriors.
Kumamada naman sina OG Anunoby ng 17 puntos at Serge Ibaka na may 14 para sa Raptors, bumalikwas mula sa 19-puntos na paghahabol sa loob ng tatlong quarters bago naidikit ang laban sa isang puntos sa final period.
Kumubra rin sina Fred VanVleet at Jonas Valanciunas ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Naisalpak ni VanVleet ang 3-pointer para maidikit ang iskor sa 116-115 may 3:52 sa laro, ngunit mabilis ang ganti ni Curry mula sa downtown. Muling naidikit ni DeRozan ang iskor may isang minuto ang nalalabi at may pagkakataong maagaw ang bentahe nang magmintis si Curry sa dalawang free throws may 45 segundo sa laro.
Mula sa mintis na jumper ni DeRozan, bumitaw si Durant sa short jumper para sa 125-122 bentahe may 21 segundo ang nalalabi.
Mula sa mintis na tira sa 3-point area ni CJ Miles, nagkaroon ng agawan sa bola sa pagitan nina Curry at DeRozan, ngunit naibigay ang opensa sa Warriors matapos ang reply at nakitang nasa labas na ng guhit si DeRozan. Dalawang free throw ni Curry ang nagselyo sa panalo ng Golden States.
SPURS 112, NUGGETS 80
Sa San Antonio, balik-aksiyon si Kawhi Leonard mula sa tatlong larong pahinga para makatipon ng 19 puntos at sandigan ang Spurs laban sa Denver Nuggets.
N
ailista ng San Antonio ang ika-14 na sunod na panalo sa AT&T Center para sa 19-2 record sa home game.
Kaagad na umusad ang Spurs sa 23-12 bentahe sa first quarter at hindi na bumitaw ang San Antonio tungo sa dominanteng panalo.
Nanguna si Nikola Jokic sa Nuggets sa naiskor na 23 puntos at siyam na rebounds.
BULLS 107, PISTONS 105
Sa Chicago,naungusan ng Bulls anf Detroit Pistons sa dikitang laro na nagsilbing debut ni Zach LaVine sa Chicago mula nang ma-trade ng Minnesotta kapalit ni Jimmy Butler.
Kumubra si Lavin eng 14 puntos sa kanyang unang laro mula sa 11 buwang pahinga bunsod ngh injury sa tuhod, habang tumipa si rookie Lauri Markkanen ng 19 puntos sa makapigil-hiningang panalo.
Naitala ng Chicago ang 17 3-pointers at matikas na nadepensahan ang Pistons sa krusyal na sandali para sa ika-13 panalo sa huling 20 laro.
Nagsalansan sina Avery Bradley at Andre Drummond ng 26 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Pistons, nabigo sa ikaanim na pagkakataon sa pitong laro sa road.
Naisalpak ni Markkanen ang 17-foot shot para sa 106-105 bentahe ng Bulls may 1:08 sa laro. Nagkaroon ng palitan ng bentahe sa 23 pagkakataon at pitong pagtabla.
Nag-ambag sina Kris Dunn ng 18 puntos, walong assists at walong rebounds para sa Chicago, habang kumana si Nikola Mirotic ng 16 puntos at anim na rebounds mula sa bench.
WIZARDS 119, NETS 113
Sa Washington, winasak ng Wizards, sa pangunguna ni John Wall na kumana ng 23 puntos, ang Brooklyn Nets sa overtime.
Hataw din si Bradley Beal na may 24 puntos at tumipa si Marcin Gortat ng 16 puntos at 13 rebounds para sa Wizards, nakaiwas sa pagwalis ng Nets sa kanilang match-up ngayong season.
Nag-ambag si Kelly Oubre ng 17 puntos mula sa bench.
Nanguna si Rondae Hollis-Jefferson na may 22 puntos sa Brooklyn, habang umiskor sina Jarrett Allen at DeMarre Carroll ng 16 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa iba pang laro, ginapi ng Oklahoma City Thunder, sa pangunguna ni Russell Westbrook na may 25 puntos at 10 rebounds, ang and seven Charlotte Hornets, 101-91; pinataob ng Los Angeles Clippers ang Sacramento Kings, 126-105; at naungusan ng LA Lakers ang Dallas Mavericks, 107-101, sa overtime.