SENELYUHAN ng mga opisyal na sina Carlos Singson, NBA Philippines Managing Director (kaliwa) at Marco Bertacca, Managing Director ng Alaska Milk Corporation ang panibagong tambalan para sa Jr. NBA Philippines na nagsusulong ng kalusugan at kaunlaran ng basketball sa mga batang Pinoy.
SENELYUHAN ng mga opisyal na sina Carlos Singson, NBA Philippines Managing Director (kaliwa) at Marco Bertacca, Managing Director ng Alaska Milk Corporation ang panibagong tambalan para sa Jr. NBA Philippines na nagsusulong ng kalusugan at kaunlaran ng basketball sa mga batang Pinoy.
PATULOY ang ayuda ng Alaska Milk Corporation para sa pagtuklas nang mga bagong talento sa muling pakikipagtambalan sa Jr. NBA Philippines – ang nangungunang breeding ground ng mga pamosong basketball superstar sa bansa.

Ang programa ng NBA sa youth basketball sa buong mundo ay nagsimula sa bansa kahapon sa pagbubukas ng 2018 season sa pamamagitan ng coaches seminar at basketball clinics para sa kabataang Pinoy sa Don Bosco Makati.

Kabilang ang mga opisyal ng Alaska Milk Corporation, NBA Philippines and Asia at mga kasangga sa isinagawang programa nitong Sabado.

Ayon kay Marco Bertacca, bagong managing director ng Alaska, ang Jr. NBA programa ang isa sa pinagtutuunan ng pansin ng pamosong brand ng gatas dahil na rin sa adhikain na maisulong ang kalusugan ng batang Pinoy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Some of the health problems of children here are malnutrition and obesity. We will continue to do projects that promote active and healthy lifestyle.“Let the children get out and play sports in the sun,” pahayag ni Bertacca.

Magtatagal ang camp hanggang sa Mayo 2018. Ilan sa mga pamosong collegiate at PBA stars ay produkto ng programa, kabilang ang magkapatid ng Thirdy at Kieffer Ravena.

Hindi lamang mahasa ang talento, bagkus ang character ng bata ang sentro ng Alaska Milk at Jr. NBA/WNBA na maisulong sa programa batay sa STAR values: Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

“As part of our long-standing partnership with the NBA, Alaska Milk Corporation is proud to play an active role in shaping the basketball players of tomorrow through good nutrition and proper life values, “ sambit ni Alaska Milk Corporation Marketing Director Blen Fernando.

Magsasagawa rin ang Jr. NBA camp sa Bacolod (Feb. 10-11), Butuan (Feb. 24-25), Baguio (March 17-18) at Manila (April 7-8) kung saan ang mangungunang 37 boys at girls ay makakasama sa National Training Camp na nakatakda sa Mayo.

Pinatibay ng Alaska ang tambalan sa Jr. NBA Philippines dahil sa paniwalang naisuslong nila ang misyon ng kumpanya: NUTRITION.ACTION.CHAMPION.

Para sa karagdagang impormasyon sa Alaska Milk Corporation, bisitahin ang www.alaskamilk.com at para sa live updates sundan ang PlayPH sa Facebook at Twitter, gayundin ang http://jrnba.asia/philippines/ - Annie Abad