Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Dalawang telecommunications companies mula sa Japan at Taiwan ang intresado ring maging pangatlong telecoms provider sa bansa, inihayag ng Department of Communications and Information Technology (DICT).

Inanunsiyo ito matapos ibunyag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nais ng South Korean multinational conglomerate na LG Corporation na maging pangatlong puwersa sa local telecoms industry sa bansa.

Sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio sa programa ni Andanar sa Radyo Pilipinas na ang pangalawang pinakamalaking telecommunications company sa Japan na KDDI Corporation ay sabik na pumasok sa telecoms playing field.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Ang interesado sa pag-invest sa atin din is iyong number two nila, iyong KDDI, the second biggest telecommunication company. And well of course kailangan maghanap sila ng Filipino partner,” ani Rio.

“They are very much interested and in fact they are seeking help with the department to find, or to partner with a Filipino telco,” dugtong niya, binanggit na ang pinakamalaking telco sa Japan, ang NTT ay nakipag-partner na sa PLDT.

Ang KDDI Corporation ay isang Tokyo-based Japanese telecommunications company na binuo noong Oktubre 2000 sa nang magsanib ang tatlong kumpanya.

Ibinunyag din ni Rio na isang Taiwanese telco ang interesado rin ngunit hindi nagbigay ng mga detalye.

“May mga non-disclosure sila, kaya ho hanggang hindi ho magpirmahan sila ay hindi na talaga dini-disclose,” sagot niya nang tanungin ni Andanar kung ano ang pangalan ng Taiwanese firm.

Sa layuning mawakasan ang ‘telecoms duopoly’ sa bansa ng Globe at PLDT, iniutos ni Pangulon Rodrigo Duterte sa DICT at National Telecommunications Commission (NTC) na bilisan ang pag-aapruba sa applications at licenses para maaaari nang makapagsimula ng operasyon ang ikatlong telecoms player sa Marso, 2018.

Nabunyag nitong Nobyember 2017, na pormal na inimbitahan ni Duterte ang China na maging pangatlong telecommunications. Inirekomenda ng Beijing ang state-run China Telecom ngunit wala pang nahahanap ang kumpanya na local partner na mayroon nang franchise upang makatupad sa constitutional provision ng bansa na nililimitahan ang foreign ownership sa 40 porsiyento.

Sa kabila ng pahayag ni Duterte na ang third slot ay para sa China, sinabi ng Malacañang na hindi isinasara ng Pilipinas ang pintuan para sa iba pang bansa na maaaring makapag-alok ng mas magandang offer.

“Kung sino ang pinakamagandang offer sa bidding, aba’y iyon ang mananalo,” paliwanag ni Andanar.

Sinabi ni Rio na mayroon na ngayong apat na kumpanya mula sa iba’t ibang bansa na nag-aagawan sa isang slot sa Philippine telecoms sector, at inutusan na DICT sa NTC sa siulan ang pag-define sa terms of preference.

“Doon ho nakasaad iyong terms of preference na iyon kung ano iyong mga frequencies na ibibigay namin sa mananalo, mga support and things like,” ani Rio.