Nangako si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ang giyera kontra droga hanggang sa matapos ang kanyang termino kahit na “impossible” na maging drug-free ang bansa.

Inihayag ng Pangulo na nahaharap siya sa “formidable group” ng mga kalaban sa giyera sa droga ngunit nangakong ipapataw ang karampatang parusa sa “everybody who violates the law.”

“I will fight the drug problem to the last day of my term. It will not stop,” lahad ng Pangulo sa selebrasyon ng kaarawan ni Speaker Pantaleon Alvarez sa Davao del Norte nitong Biyernes ng gabi.

“But really, to make it drug-free is something which is really impossible,” aniya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa pagpapauloy ng kampanya kontra droga, binanggit din ni Duterte na hindi niya palalampasin ang mahihirap na sangkot sa droga dahil kung mangyari ito, maikokonsidera itong “selective justice.”

“I cannot say that this law is only for the rich but not for the poor,” aniya.

Binigyang-diin niya na ang lahat ng taong sangkot sa bentahan ng droga ay kapwa nahaharap sa kasong kriminal at may responsibilidad sa batas.

“The law says that the one who cooks, the one who distributes, and the one who peddles the drugs are equally guilty. The act of one is the act of all because it is a conspiracy. That is the law,” aniya.

“And my oath of office says that I have to enforce the law against everybody who violates the law,” dagdag pa ni Duterte.

Kamakailan ay sumumpa naman si PNP chief Ronald dela Rosa na ang paglulunsad muli ng Oplan Tokhang ngayong taon ay titiyaking “bloodless”. - Genalyn D. Kabiling