Naorasan ang dating SEAGames champion na si Galedo ng 43 minuto at 6.876 segundo sa men’s ITT race na idinaos sa 31-km course upang makamit ang national champion’s jersey mula sa PhilCycling.
Nakopo din niya ang pangunang salaping premyo na P50,000 mula sa PRU Life UK, na siyang tagapagtaguyod ng PRUride PH 2018.
Tumapos namang pangalawa at pangatlo kay Galedo ang mga kapwa national team members na sina George Oconer at Rustom Lim ayon sa pagkakasunod.
“Ipagmamalaki kong isuot ang champions jersey na ito, “,” pahayag ni Galedo na gaya ng 25 pang mga siklistang lumahok sa ITT ay hinarap ang napakalakas na hangin sa kabuuan ng ruta sa loob ng Subic.
Halos wala namang nakalaban ng mahigpit ang dating SEA Games ITT queen na si Salamat na tinapos ang 21-km women’s race sa tiyempong 34:49.163 para maiuwi ang premyong P50,000.
Pumangalawa sa kanya ang Taiwanese na si Chng Ting Ting habang pumangatlo naman si Jermyn Prado, ang winner sa women’s road race noong Biyernes.
Inangkin naman ni Lampawog, ang titulo sa under-23 makaraang maorasan ng 45:02.038. - Marivic Awitan