Ni LITO T. MAÑAGO

JC, Direk Sigrid at Ryza
JC, Direk Sigrid at Ryza
UNEXPECTED ang mahigit P320 million plus na kinita ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at idinirihe ni Sigrid Andrea Bernardo para sa Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo at Viva Films nu’ng July, 2017.

Pagkaraan ng halos anim na buwan, may bagong pelikulang susubok sa box-office charm ni Direk Sigrid. Ipalalabas na sa January 24 ang kanyang follow-up movie na Mr. and Mrs. Cruz na co-production venture ng Viva Films at The Idea First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Para sa lady director, challenge sa kanya ang Mr. and Mrs. Cruz dahil first time niyang katrabaho ang mga bidang sina Ryza Cenon at JC Santos na itinuturing niyang ‘interesting pair.’

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

“Actually, ‘yung script ng Mr. and Mrs. Cruz, nagawa ko ito before pa nu’ng Kita Kita. So nauna lang... wala pa akong artista nu’n pero pini-pitch na namin ito. Dumating ‘yung Kita Kita, so nauna itong gawin,” kuwento ni Direk Sigrid.

Viva Films ang pumili kina Rya at JC para gumanap sa dalawang main characters ng movie.

“Sina JC at Ryza were given to me by Viva pero approval ko pa rin if gusto ko sila. Of course, why not? Umoo ako na sina Ryza and JC. It’s an interesting pair,” sambit ng lady filmmaker.

“I saw Manananggal, sobrang nagagalingan ako kay Ryza roon. Nagulat ako kasi nakikita ko lang siya dati sa Starstruck. Parang ang tagal na nu’ng Starstruck ‘tapos biglang, ‘Oh, Manananggal?’ Bagets pa ‘to, eh, so naging interesado ako kasi ang galing niya sa Manananggal.

“Si JC, yes, magkasama kami sa theater at napanood ko siya sa 100 Tula at iba pa niyang mga show. Sobrang excited din ako to work with him,” wika ng director.

“Napanood ko siya sa Esprit de Corps, ‘yung sa Cinema One Originals, ka-batch ko si Aurelio (Solito) sa Lorna that time, kasabayan niya ‘yung pelikula ko. Sabi ko, why not? I’m so excited to work with the both of them na nagustuhan ko ‘yung mga pelikula nila nu’n,” pagtatapos ni Direk Sigrid.