LaMelo: 0-for-4 sa pro debut.
LaMelo: 0-for-4 sa pro debut. (AP)

PANEVEZYS, Lithuania (AP) — Sa debut ng magkapatid na LiAngelo at LaMelo Ball – nakababatang kapatid ni Los Angeles Lakers rookie star Lonzo – dismayado ang mga nagaabang na tagahanga nang kapwa mabokya sa pro basketball debut dito.

Tumipa ang magkapatid nang pinagsamang 0 for 7 sa field goal.

Naglalaro ang dalawa sa BC Prienai sa Lithuanian league nitong Sabado (Linggo sa Manila). Natalo ang koponan sa Lietkabelis, 95-86.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Bulilyaso si LiAngelo sa 0 for 3 sa loob ng siyam na minutong paglalaro, habang ang 16-anyos na kapatid na si LaMelo ay 0-for-4 sa loob ng 5:16 na pagsabak.

Ipinagyabang ng kanilang ama na si LaVar ang kahusayan ng magkakapatid at pinalagda niya ng kontrata ang dalawa matapos na iaatras ang scholarship ni LiAngelo sa UCLA matapos ang kontrobersyal na pagsuspinde rito dahil sa kasong shoplifting sa Tour ng koponan sa China.

Naging daan din ito sa Twitter sa pagitam nina LaVar Ball at US President Donald Trump.

Sa exhibition game laban sa Zalgris nitong Martes, umiskor ang magkapatid ng pinagsamang 29 puntos.

Sa basketball-crazy Lithuania, ang basketball ay itinuturing na “second religion” at dinudumog ng crowds ang mga laro, higit sa mga maliliit na bayan. Ilan sa mga Lithuania stars ang nakalaro sa NBA tulad nina Portland Trail Blazers center Arvydas Sabonis at Zydrunas “Big Z” Ilgauskas ng Cleveland Cavaliers.