NAGPAKUHA ng larawan ang lahat ng mga pinuno at miyembro ng organizing committee ng 2018 Pitmaster Cup 9-cock International Derby na kinabibilangan nina (mula sa kaliwa) organizer Rolando Luzong, actress Diana Meneses, Atong Ang, Eric De La Rosa, Joey De Los Santos , kasama ang mga mga top breeders at  mga opiyales ng Resorts World Manila .
NAGPAKUHA ng larawan ang lahat ng mga pinuno at miyembro ng organizing committee ng 2018 Pitmaster Cup 9-cock International Derby na kinabibilangan nina (mula sa kaliwa) organizer Rolando Luzong, actress Diana Meneses, Atong Ang, Eric De La Rosa, Joey De Los Santos , kasama ang mga mga top breeders at mga opiyales ng Resorts World Manila .

ANG Amerikanong si Bruce Brown – nagkampiyon sa unang World Pitmasters Cup noong Enero ng nakaraang taon –ay magpapatuloy ng kanyang determinadong kampanya ngayon sa ikalawang araw ng 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby na ilalatag sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila simula ika-10 ng umaga tampok ang 140 bagong entries.

Kasama niya ang kanyang malakas na grupo na binubuo nina Steven Sanders & John Edd Bottoms ng Oklahoma, Randy Hall ng Texas, Nathan Jumper (apo ng dakilang breeder na si Johnnie Jumper) ng Ripley, Mississippi, Damon Yorkman ng Oklahoma, Peter Elm ng Guam at Phil Sneed ng Tennessee

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at ang dalawang pangunahing endorser ng Thunderbird na sina Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay tatakbo mula ika-14 hanggang ika-21 ng Enero, muli sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board sa pangunguna ni Chairman Baham Mitra, ang pangunahing isponsor ay ang Thunderbird Platinum & Thunderbird Bexan XP, samantalang minor sponsors naman ang Hennesy, Thor, Experto & VNJ.

Ang kakaibang kaganapan sa labanan ito ay ang One-Day 6-Cock Big Event sa Enero 18 tampok ang pambihirang 25-Cock Main sa pagitan ng Pitmasters Group at ng San Roque BB Group nina Joey & Buboy delos Santos kasama si Bruce Brown at ang kanyang mga American teammates.

Magtutuos ngayon ang mga manok nina Ador Pleyto, Anthony Marasigan, Arnel Navarro, Atty. Arcal Astorga,Bernie Tacoy, Carrie Chua, Cesar Mercado/Michael Mendoza, Mayor Cito Alberto, Gov. Claude Bautista, Cong. Amante, Cong. Peter Unabia, Cong. Wacnang/Phil Sneed, Danny Bulldog, Doc Marvin Ricafort, Dylan Castillo, Ed Miranda/Kkoreano, Edwin Tose, Engr. Bilangel / King Agrivet, Engr. Toni Marfori, Eugene Perez, Felix Gatchalian,Felix Punzalan, Frank Berin, Hermie Pagtalunan, Jacob Lee, Jca Gensan, Jepoy, John Capinpin, Jojo Cruz at Jomel Gatlabayan.

Magsusubukan din sina Jun “Loy” Go/James Uy, Louie Madlangbayan, Magno Lim/Danny Soriano, Mayor Alonte(Ama At Barkada), Mayor Boyet Ynares, Mike Menez, Mayor Boyet Joson, Mayor Emeng Codilla, Onnie Tan / Atty. Art De Castro, Peter Elm / Owen Medina, Pipo Soliman, Pol Estrellado, Ramil Robles, Raymond Burgos, Remegio Llanares Jr., Rene Medina, Ruth France/Tere Joy/Oliver Chiu, Adrian Manalansan, Yoyong Yap, Raymond Dela Cruz, Alex Clores (SV Hi Speed), Alex Ty, Art Atayde /Jimmy Atayde/Ramon Atayde, Atty. Edgar Santos, Cholo Violago, Christopher Sioson, Cong. Khulit Alcala, Danny / Gerry Teves, Danny Lim/Tatay Bong Escolin / Eslabon Bros., Glen Duarte, Gov. Gerry Espina, Gov. Tony Kho, Jay R Tolentino/Charlie Gayoso, JB & Ojie, Jimmy Junsay, Mandy Garcia, Mayor Max Roxas, Mayor Jessie Viceo, Mayor Elan Lagano, Nestor Vendivil, Engr. Noel Jarin,Ramon Mansenares, Ricky Magtuto, Mike & Tonio Romulo, Atty. Jun Mendoza, Coun. Marvin Rillo, Richard Perez,Dori Du at Cong. Patrick Antonio

Ang 3-cock semis ay nakatakda bukas Enero 16 (Group A) at sa ika-17 (Group B).

Masasaksihan sa Enero 18 ang Battle of Champions One-Day 6-Cock Big Event tampok ang pinanabikan 25-Cock Main.

Lahat ng Pitmasters entries na may iskor na of 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa kanilang 4-cock finals sa ika-20, samantalang ang mga may iskor na 4, 4.5 at 5 puntos ay magtutuos sa 4-cock grand finals sa Enero 21.