Isinama ng Department of Education (DepEd) sa curriculum ang Disaster Risk Reduction Management (DRRM) upang maging handa ang mga estudyante at makapagligtas ng pamilya at kapwa sa oras ng sakuna.
Ayon sa DepEd, 10 paaralan sa Central Visayas ang gagawing ‘pilot areas’ ng proyekto – sa Bogo, Carcar, Cebu, Danao, Lapu-Lapu, Mandaue, Naga, Talisay at Toledo.
Binigyan ang bawat paaralan ng mga angkop at tamang kagamitan, Information, Education and Communication’ (IEC) materials upang makatulong sa mga guro at estudyante na mapag-aralan ang naturang konsepto. Kapag nakita ng DepEd na maganda ang kalalabasan ng programa ay unti-unti itong ipapatupad sa buong bansa.
Isisingit ang DRRM sa subject na Math, Geometry at iba pang asignatura para masubok ang kakayahan ng mga mag-aaral na magkalkula, mag-isip ng tamang paraan at rumesponde sa mga kalamidad.
Katuwang sa programa ang SEEDS Asia, isang organisasyon na nakabase sa Japan.
Mary Ann Santiago