Ni Mary Ann Santiago

Inaasahang magdadagdag pa ang Department of Transportation (DOTr) ng 22 bagong ruta para sa mga point-to-point (P2P) bus ngayong 2018 upang gawing mas madali ang biyahe ng publiko.

Ayon sa DOTr, ang mga bagong ruta na madadagdag para sa taong ito ay kinabibilangan ng Pasig (city proper) hanggang Ortigas, Pasig (city proper) hanggang Makati, Pasay hanggang Makati, Las Piñas hanggang Makati, Taguig (city proper) hanggang Ortigas, Taguig (city proper) hanggang Makati, at Sucat hanggang Lawton.

Magkakaroon din ng ruta sa Alabang hanggang Lawton, Bacoor hanggang Makati, Imus hanggang Makati, Noveleta hanggang Makati, Dasmariñas hanggang Makati (via Daanghari), Malolos hanggang North EDSA, Bocaue/Santa Maria hanggang North EDSA, Malabon/Navotas hanggang Pasay (via R10), NAIA hanggang Alabang, at NAIA hanggang Sta. Rosa, Laguna.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kasama rin ang ruta ng NAIA hanggang Cubao, NAIA hanggang Ortigas, Clark hanggang Malolos sa Bulacan, Clark hanggang Tarlac City, at Tarlac at Clark hanggang San Jose sa Nueva Ecija.

Nagpasya ang DOTr na dagdagan pa ang mga ruta ng P2P buses dahil sa benepisyong dulot nito sa mga commuter.