Ni Fer Taboy

Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Coucil (NDRRMC) na aabot sa mahigit 30,000 pamilya ang inilikas dahil sa walang humpay na buhos ng ulan dala ng tail end of a cold front, sa Camarines Sur.

Batay sa ulat na tinanggap ng NDRRMC mula sa Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa 100 barangay sa 24 na bayan ng Camarines Sur ang apektado sa malawakang pagbaha nitong Biyernes.

Sinabi ni Che Bermeo, hepe ng Camarines Sur PDRRMC, na namigay ng food packs ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektado ng kalamidad sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa sa report na may naitala ring landslide sa anim na barangay sa mga bayan ng Lagonoy, San Jose, Caramoan, at Presentacion.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ang limang mangingisda, na lulan sa bangkang de-motor na lumubog sa karagatang sakop ng Tinambac at Caramoan.

Sa Caramoan, dalawang motorized banca rin mula sa Presentacion ang tumaob.

Nailigtas naman sa bayan ng Siruma ang 14 na tripulante ng isang fishing vessel mula sa Mercedes, Camarines Norte.