Ni AARON B. RECUENCO

Tatlong katao ang nasawi at 20 iba pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang bus sa isang nakaparadang sasakyan sa national highway sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay Chief Insp. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-4B Mimaropa, kaagad na binawian ng buhay ang tatlo sa mga naaksidenteng pasahero ng bus dahil sa tindi ng banggaan.

Kinilala ni Tolentino ang mga nasawi na sina Emilita Manlavi Abid, Annaliza Talde, at ang walong buwan na si Charnengel Fernandez.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Tolentino na bandang 9:00 ng umaga nitong Biyernes nang tumigil ang isang AUV sa kalsada sa Barangay Sta. Cruz sa Puerto Princesa nang magkaproblema ang sasakyan.

“The driver of the vehicle was about to put the warning signage as he as about to check on the engine of the vehicle. It was then that the bus hit them,” ani Tolentinno.

Patungo sa Puerto Princesa City proper ang bus nang mangyari ang aksidente.

Dahil sa tindi ng bangaan, tatlong pasahero ng bus ang kaagad na nasawi habang 14 pa ang nasugatan. May anim namang pasahero ng AUV ang nagtamo rin ng mga sugat.