Ni Rommel P. Tabbad

Nahaharap sa kasong graft ang siyam na opisyal ng Zamboanga del Sur dahil sa umano'y maanomalyang pagbili ng heavy equipment na aabot sa P9 milyon, noong 2011.

Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Tukuran, Zamboanga Del Sur Mayor Francisvic Villamero, ang mga opisyal ng Bids and Awards Committee (BAC) na sina Roberto Sayson, Loreto Peñaranda, Rogelim Cabrales, Noe Gozalo, Ricardo Solis, Wilfredo David, Jovito Ondiano, at Solomon Donor.

Kabilang din sa mga kinasuhan sina Cesario Advincula, Jr., President/Chief Executive Officer ng IVAN CARR Industrial Supply and Construction, Inc.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natuklasan ng Office of the Ombudsman na bumili ang munisipyo ng Tukuran ng motor grader na nagkakahalaga ng P9,450,000 noong Mayo 2011.

Ayon sa imbestigasyon, lumabag sa Government Procurement Reform Act (RA 9184) ang mga opisyal ng Tukuran dahil sa non-publication ng invitation to bid (ITB) sa isang pahayagang may general circulation, kawalan ng reference sa brand name nito, at non-posting ng ITB sa Philippine Government Electronic Procurement System.