Ni Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas – Magsasagawa ng libreng operasyon sa mga batang bingot sa Lipa City District Hospital sa Batangas sa susunod na buwan.

Inihayag ng Batangas Provincial Information Office (BPIO) na isasagawa ang operasyon sa Pebrero 3-10 sa dalawang buwan hanggang 12 taong gulang.

Pinapayuhan ang mga magulang o guardian ng bata na magparehistro nang maaga sa nasabing ospital, na tumanggap na ng pasyente simula Enero 9 hanggang Enero 30, kasabay ng pagpapaalala na ang serbisyo ay first come first served.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa provincial administrator na si Levi Dimaunahan sa 0917-6272719; o kay Jenny Asilo Aguilera, provincial information officer, sa (043) 723-4651.

Ang “Operation Help a Smile” ay proyekto ng provincial government at ng Sangguniang Panlalawigan kaagapay ang Igan ng Pilipinas Foundation, Inc., Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES), Operation HOPE (Help Other People Excel) sa New Jersey sa Amerika, at Rotary Club Batangas.