Ni BETHEENA KAE UNITE

Nakakuha ang Pilipinas ng $380-million (P19 bilyon) loan agreement mula sa Asian Development Bank (ADB) upang pondohan ang 11 big-ticket infrastructure project sa Mindanao, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inaasahang madadagdagan ng 280 kilometro ang mga kalsada at tulay sa Mindanao sa pagsasakatuparan sa 11 proyektong imprastruktura sa rehiyon, ayon kay DPWH Secretary Mark Villar.

Sinabi kahapon ni Villar na ipatutupad ang mga proyekto sa tulong ng $380-million loan agreement sa Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project. Ang nasabing kasunduan ay nilagdaan nitong Miyerkules nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez at ADB President Takehiko Nakao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kukumpletuhin ang mga proyekto simula ngayong 2018 hanggang sa 2023, ayon kay Villar. Sasaklawin nito ang konstruksiyon ng walong kalsada sa Zamboanga Peninsula na may kabuuang haba na 277.23 kilometro at magdadagdag ng tatlong tulay sa Tawi-Tawi na may kabuuang haba na 775 lineal meters.

“The whole project costs P25.257 billion. With the ADB loan, we can utilize more of our budget to other key infrastructure projects of the government,” ani Villar.