Ni Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija – Natagpuang nakalutang ang bangkay ng isang 35-anyos na lalaki na umano’y nasa impluwensiya ng alak nang malunod sa Barangay Yuzon, Guimba, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Elmer Pineda y Cascanio, residente ng nasabing lugar.

Dakong 7:30 ng gabi umano nang matagpuan ng isang residente ang palutang-lutang na bangkay ng biktima.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Una rito, nakausap pa umano ni Cascanio ang kanyang misis at ipinaalam na nakipag-inuman siya sa bahay ni Dante Magbalot malapit sa deep well.