Ni EDWIN ROLLON

Dating Chief nanindigan; PSC sinilip ang ‘ghost’ sa PKF.

NANINDIGAN si dating athletics at karate chief Go Teng Kok sa kanyang mga naging pahayag laban sa pamunuan nina Philippine Karate-do Federation (PKF) president Jose Romasanta at secretary-general Raymond Lee Reyes at hinamon ang dalawa na magsampa ng kaso laban sa kanya.

“I’m ready to face them. Demanda nila ako, kahit anong oras, pero totoo lahat ang sinasabi ko. During my presidency sa PKF tangal na sana ‘yan si Raymond (Lee) pero nakipagkutsabahan siya kay Romasanta para maalis ako. Ngayon, sila ang naghari, ano ngayon ang status ng karate?,”pahayag ni Go.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinabulaanan ni Go ang naipahayag ni Romasanta na naging maayos ang kanyang pagkakaluklok sa PKF at nagkaroon ng transition nang magdesisyon na umalis si Go at magpokus sa kanyang pamumuno sa athletics association.

“Kalokohan ‘yan. Paanong magkakaroon ng maayos na transition eh! nag-file nga ako ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan yung ginawa nilang ilegal na election sa Bacolod City,” pahayag ni Go.

Nauna nang itinatwa ni Romasanta ang napalathala na pahayag ni Go nang pakikipagkutsabahan niya kay Reyes para mapatalsik si Go sa posisyon.

“Hindi totoo ‘yang pahayag ni Go, libellous ‘yan,” pahayag ni Romasanta sa panayam ng Balita.

Nalagay sa ‘hot seat’ ang PKF nang magsumite ng sinumpaang salaysay kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez ang anim sa 12 atleta na ipinadala sa Germany para masanay bago ang SEA Games sa Malaysia nitong Agosto na Euro 460 lamang at hindi ang aprubadong budget ng PSC na US$1,800 ang ibinigay sa kanila ni Reyes. Sa dokumentong isinumite ni Reyes sa liquidation report, US$1,800 ang nakuha ng mga atleta.

Bunsod nito, huminge ng tulong sa NBI ang PSC para magsampa ng kaukulang kaso kay Reyes. Nagdesisyon din ang ahensiya na suspendihin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa PKF at direktang inaayudahan na lamang ang pangangailangan ng mga atleta.

Samantala, tinuligsa naman ni Fernandez si Romasanta matapos makakuha ng dokumento ang PSC na nananatiling nakakagawa ng memoramdum sa PKF si Reyes na nauna nang ipinahayag ni Romasanta na nagsumite ng ‘leave of absent’.

Sa kanyang facebook account Maxi Green, sinabi ni Fernandez na kung totoo ang naturang memoramdum ni Reyes na nagpapatawag ng special board meeting sa PKF – isang malaking kasinungalingan ang naging pahayag ni Romasanta kay PSC chairman William Ramirez na naka-leave na ang kontrobersyal na opisyal.

“If this Notice of Meeting is true, then Joey Romasanta is a confirmed LIAR! He told PSC Chairman WIR that Reyes is on leave!,” ayon kay Fernandez.

Sa naturang FB account, inilabas din ni Fernandez ang dokumento kung saan nakalista ang mga ‘ghost’ coach at athletes ng PKF na nakakakuha ng allowances sa ahensiya.