Ni Mary Ann Santiago

Kasunod ng pagpapatupad sa kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok”, plano namang ilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang “Sumbong Bulok, Sumbong Usok” upang hikayatin ang publiko na isumbong ang mga namamasada ng luma, kakarag-karag, at mausok na sasakyan.

Ayon kay Transportation Undersecretary Thomas Orbos, ilulunsad nila sa Lunes ang naturang programa, na kasalukuyan na nilang binubuo ang guidelines at protocol.

“Ginagawan na po namin ng guidelines, protocols para sa programa na ganyan. Hopefully by Monday we launch ‘yung ‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok’ campaign. ‘Yun naman po ang gagawin namin,” ani Orbos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nabatid na pangunahing target ng programa ang mga sasakyang smoke belcher, bukod pa ang mga may sirang ilaw at kalbong gulong.

Sinabi ni Orbos na maaaring kuhanan ng litrato ang mga kakarag-karag na pampublikong sasakyan at isumbong sa awtoridad.

Una rito, sinimulan nang ipatupad ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” at nasa 1,000 driver ng public utility vehicle (PUV) na ang naharang.