Ni PNA

TATAYONG host ang Pilipinas sa Southeast Asian Junior and Cadet Table Tennis Championships sa Hunyo.

Ayon kay Philippine Table Tennis Federation, Inc. (PTTF) president Ting Ledesma, ilalarga ang torneo na tatampukan ng pinakamahuhusay na junior table netters sa rehiyon sa Puerto Princesa, Palawan.

“We are holding the Philippine Super League in May to select the athletes who will compete in the SEA tournament,” sambit ni Ledesma.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mauna rito, sinabi ni Ledesma na isasagawa ng PTTF ang Best of the Best tournament sa Enero 26-28 sa Ninoy Aquino Stadium.

“The Best of the Best tournament features boys’ and girls’ 18-under and 15-under categories as well as the Open category where our national players are also competing,” aniya.

“The winners in the 18-under and 15-under categories will be given automatic slots in the Philippine Super League.”

Sa kasalukuyan, sinabi ni Ledesma na may walong slots na bakante para sa national junior team para sa boys and girls (18-under) at tig-anim din sa (15-under).

Sa nakalipas na edisyon sa Singapore, nasungkit nina Jann Mari Neyra at Jannah Romero sa bronze medal sa mixed doubles.

Sumabak din si Neyra sa Southeast Asian Games sa Malaysia at World Championships sa Germany sa nakalipas na taon. Napagwagihan naman ni Romero ang individual at team gold medal sa secondary division ng 2017 Palarong Pambansa sa Antique.

Samantala, ipinahayag ni Ledesma na ang pagpapatala ng lahok sa Best of the Best tournament ay patuloy. Makipag-ugnayan lamang kay Ella Bayno ‎(0926-061-7937) o sa PTTF Inc. Facebook page.