Ni NITZ MIRALLES
PHOTO pa lang nila ni Mark Anthony Fernandez kasama si Vic del Rosario ng Viva Films at mga anak nitong sina Vincent at Veronique del Rosario-Corpus ang ipinost ni Claudine Barretto, pero marami na agad ang natuwa.
Ang sabi, nakipag-meeting sina Claudine at Mark sa big bosses ng Viva Entertainment Group, pero dahil sa caption ni Claudine na, “So happy for you Mark!” ang dating sa mga nakabasa ay tungkol sa movie ang kanilang pinagmitingan.
Masuwerte si Mark dahil may nagtitiwala pa ring producer kahit nakulong siya ng ilang buwan.
Pero mas masuwerte siya sa pagkakaroon ng ex-girlfriend na tulad ni Claudine na patuloy na nagmamalasakit at tumutulong sa kanya. Kahit wala pang detalye tungkol sa pagpunta nila sa Viva, alam na ng showbiz na si Claudine ang nasa likod nito.
Tama ang payo ng mga concern kay Mark na huwag na niyang sayangin ang panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya.