Ni Marivic Awitan
Mga Laro Ngayon
(Filoil Arena, San Juan)
8:00 n.u. -- AU vs Letran (jrs)
9:30 n.u. -- AU vs Letran (m)
11:00 n.u. -- AU vs Letran (w)
12:30 n.t. -- EAC vs JRU (w)
2:00 n.h. -- EAC vs JRU (m)
BUMALIKWAS ang College of St. Benilde mula sa dalawang set na pagkakaiwan at winalis ang huling tatlong set para magapi ang Lyceum of the Philippines University, 22-25, 23-25, 25-14, 25-13, 15-10, kahapon at makasalo sa defending champion Arellano University sa pamumuno sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.
Umiskor sina Klarisa Abriam at Rachel Anne Austero ng 18 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Lady Blazers para makumpleto ang pagbangon sa kabiguang natamo sa first at second sets.
Nagdagdag naman si Marites Pablo, nakababatang kapatid ni dating Premier Volleyball League MVP Myla, at Ranya Musa ng 12 at 11 hits para sa naturang panalo ng Lady Blazers.
“The girls just didn’t give up,” pahayag ni CSB coach Arnold Laniog.
Nauna rito, nakopo ng defending men’s champion CSB Blazers ang kanilang ikalawang dikit na panalo matapos igupo ang LPU Pirates, 25-18, 25-22, 25-18.
Samantala, sa juniors’ division nakabawi rin ang CSB-La Salle Greenhills sa pagkabigong natamo sa third at fourth set upang makumpleto ang kanilang sweep sa Lyceum sa pamamagitan ng 25-23, 25-23, 15-25, 14-25, 9-15 paggapi sa Junior Pirates.