Ni Rommel P. Tabbad
Hindi makatwiran ang nakaambang pagtaas sa presyo ng bigas sa merkado, ayon sa National Food Authority (NFA).
Ayon kay NFA Spokesperson Rebecca Olarte, sapat ang supply ng bigas sa bansa kaya walang dahilan upang magkaroon ng price adjustment.
Aniya, hindi sapat na rason ang ipinaiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law upang taasan ang presyo ng bigas.
Dahil dito, inaalam na ng NFA ang mga lugar na mataas ang presyuhan ng bigas upang makapagpadala sila ng NFA rice sa mga ito.
Umapela rin ang ahensiya sa mga rice trader na huwag samantalahin ang nabanggit na batas para lamang kumita.