Ni Mary Ann Santiago

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi magtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ngayong taon.

Ang pahayag ay ginawa ni Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan matapos lumutang ang usapin tungkol sa taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan, dahil sa bagong tax reform package at excise tax ng pamahaalaan.

Ayon kay Batan, uunahin muna nilang ayusin ang serbisyo ng MRT, at pagagandahin ang pasilidad, kabilang na ang riles at mga tren, upang matiyak ang kaligtasan, reliability at seguridad sa operasyon nila bago planuhin ang pagtataas sa pasahe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa MRT-3, wala rin aniyang planong pagtataas ng pasahe sa ibang rail system sa bansa, kabilang na ang Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Gayunman, muling pinababa ng MRT ang nasa 620 pasahero nito sa area ng Mandaluyong City kahapon nang muling magkaroon ng aberya ang tren nito.

Batay sa tala ng MRT-3, ito na ang ika-10 aberya ng tren nito ngayong 2018.

Nabatid na nagkaroon ng electrical failure ang naturang tren pagsapit sa pagitan ng Ortigas at Shaw Boulevard stations southbound, bandang 5:37 ng umaga.