Ni Annie Abad
NAKATAKDANG maghost ang Pilipinas para sa 19th ASEAN Age group Chess Championship sa darating na June 17-27, 2017 sa Davao City.
Ang torneo na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ay bahagi ng programa ng nasabing ahensya na humanap ng mga kabataang atleta na maaring maging superstar athletes.
Ikinasiya naman ng national Chess Federation of the philippines president Prospero Pichay jr. ang pagtatanghal na ito ng bansa para sa nasabing torneo lalo pa at sa parteng Mindanao gagawain.
Ayon kay Pichay, magiging isang magandang imahe ito sa Pilipinas, na gawin ang nasabing torneo sa kabila ng pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.Aniya, hindi kailanman nakaapekto sa mga mamamayan ng Mindanao ang deklarasyon ng Martial Law dito.
“”Holding this tournament in Davao is a good PR for the Philippines. Davao is under Martial Law. so this is a good way to promote Mindanao, kahit may Martial Law hindi ito nakaapekto sa amin mas naging safe pa nga kami ngayon sa Mindanao,’pahayag ng Surigao del Sur representative na si Pichay.
Samantala, naniniwala naman si Grandmaster Jason Gonzales na maraming bata pa ang mahuhubog sa nasabing sports basta may tamang training lamang at tiyaga upang maging isang magaling na chess player.
“We have so much talent na Filipino chessers, pero kailangan din nilang maging seryoso sa training hindi puro talent lang,” ani Gonzales.
Ang Pilipinas ang kasalukuyang may hawak ng titulo sa nasabing torneo matapos nitong maguwi ng 83 gold medals sa nakaraang edisyon sa Malaysia.