Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Nalambat ng mga nagpapatrulyang tauhan ng San Jose City Police ang pake-pakete ng umano'y pekeng sigarilyo, na ibinebenta sa Maharlika Highway sa Barangay Malasin, San Jose City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga.

Inaresto si Lioncio Lopez y Relucio, 52, vendor, residente ng Bgy. San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Dakong 9:40 ng umaga at nagroronda ang pulisya nang mamataan at sitahin si Lopez na naglalako ng mga pekeng sigarilyo sa lugar.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Nasamsam mula kay Lopez ang mga pekeng sigarilyo na Marvel at Mighty, 23 ream ng Marvel Menthol, apat na ream ng Winston cigarettes, tatlong ream ng Mighty, at dalawang ream ng Fortune Lights cigarettes.

Ayon sa pulisya, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Marvel at Mighty Corporation, para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Trade Mark Infringement & Unfair Competition Law laban sa suspek.