Heart at Alexander
Heart at Alexander

Ni NORA CALDERON

KUNG si Direk Mark Reyes ang masusunod, gusto niyang ituloy ang unang balak nila at ng production ng Filipino-Korean romantic comedy series na My Korean Jagiya na bumalik sila ng South Korea para doon i-shoot ang ending sa Nami Island.

“Gusto ko sanang doon i-shoot iyong ending na may snow falling as Jun Ho (Alexander Lee) and Gia (Heart Evangelista) meet once more,” sabi ni Direk Mark. “That would have been a very K-Drama ending. Pero hindi na kakayanin na doon kami muling mag-shoot dahil winter na sa South Korea at napakahirap magtrabaho.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“Kung nagsimula kami na summer, na mahirap ding mag-shoot dahil napakainit, inabot na kami ng winter. Hindi kasi tayo sanay sa ganoong kalamig na temperature, kaya minabuti naming dito na lang i-shoot ang finale, sa isang lugar sa Bulacan. But our ending is a very romantic wedding, that even the cast reacted that it felt lika a real wedding. Huwag ninyo itong i-miss sa Friday, January 12.”

Inamin din ni Direk Mark na naging breather sa kanya ang paggawa ng rom-com pagkatapos ng tough and intense show na huli niyang dinirek, ang Encantadia kaya mami-miss naman niya ang mga nakatutuwang eksena ng MKJ.

Sino ang mami-miss niya sa kanyang cast?

“Tatlong beses ko nang naidirek si Heart at dito, mas humusay na siya sa pag-arte. Kuhang-kuha niya ang role ni Gia, isang die-hard fan ng mga K-Dramas at na-in love sa Korean actor na si Alexander Lee.

“Mami-miss ko rin ang mga Korean actors na sina Xander at Andy Ryu at iba pang nakasama namin. Aral sila sa mga shooting at taping ng mga shows nila sa South Korea, na mas mahigpit kaysa atin dito. Mababait sila, walang reklamo sa mga ipinagagawa ko sa kanila.

“Para sa akin, dahil matagal ko ring nakasama si Xander, umabot kami ng 105 days na napanood nationwide, underrated siya at kung bibigyan ng isa pang chance, wish kong makatrabaho siya muli. But of course, hindi mo ba mami-miss sina Direk Ricky Davao, Janice de Belen, Raymart Santiago, Valeen Montenegro at si Edgar Allan Guzman, at ang iba pang members ng cast at mga special guests namin.”

Nagpasalamat din si Direk Mark sa lahat ng Kapuso Jagiyas na sumubaybay sa serye at nagbigay ng mataas na rating sa kanila hanggang sa pagtatapos nila.