POSIBLE umanong kumuha ng dalawang karagdagang deputy si SEAG Chef de Mission Monsour del Rosario upang magakaroon ng karagdagang tulong sa pagpapatakbo ng 2019 South East Asian Games sa bansa.

Ayon kay del Rosario, mas makabubuting may karagdagang dalawa pang deputies silang ilalagay gayung apat na venues ang siyang naaprubahan umano ng SEAG board ang Bulacan, Zambales, Clark at Subic.

“Gusto ko kasing tumakbo ulit bilang congressman ng Makati sa 2019 election. So para may makatulong din yung dalawang deputies ko, I asked them kung sino yung pwede nilang irecommend,”ani del Rosario.

Sa kasalukuyan ay nasa hanay ng kanyang mga deputy chef de missions sina Robert Bachmann ng Squash at ang kontrobersyal na si Raymund Lee Reyes ng Philippine Karate-do Federation.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nasa listahan na ng maidadagdag sina Jonne Go ng Canoe kayak at Aida Milby ng Philippine Rugby team upang maging karagdagang deputies ni del Rosario.

“Tamang tama para kung sakali dahil apat ang venues, tig iisang deputies ang ilalagay natin para sa bawat venues then I will be roaming around those venues para mamonitor natin ang mag athletes natin pati mga games tsaka yung mga ibang countries na kasali,” aniya.

Gayunman, nakatakda pa rin umanong hilingin muna ni del Rosario ang nasabing mga karagdagang deputies sa POC at umaasa naman siya na maaprubahan ang mga ito. - Annie Abad