Dottie ArdinaTARGET nina Symetra Tour campaigners Dottie Ardina, Cyna Rodriguez at Princess Superal na makahirit sa ICTSI Beverly Place Ladies Classic simula kahapon sa Pampanga.

Ang torneo ang tanging kulang sa matikas na kampanya ng tatlo sa Ladies Philippine Golf Tour.

Kumpiyansa si Ardina na mapipigilan ng local players ang kamada ng Thais, na matikas na nagwalis sa huling dalawang torneo ng ICTSI sa nakalipas na taon.

Nitong torneo sa Ayala Greenfield muling nanalasa ang Thai.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakabawi naman si Fil-Japanese amateur Yuka Saso kontra Ploychompoo Wilairrungrueng sa nakalipas na torneo sa Batangas.

Pangungunahan nina South Forbes leg winner Yupaporn Kawinpakorn at Tiranan Yoopan ang Thailand squad na kinabibilangan din nina Alisara Wedchakama, Ananya Vitayakonkomol, Aunchisa Utama, Chitawadee Duangchan, Hathaikarn Wongwaikijphaisal, Jaruporn P Na Ayutthaya, Pimpadsorn Sangkagaro at Sarinee Thitiratanakorn.

“At Greenfield, I struggled in the last four holes as I kind of relaxed a bit, so I need to come up with a stronger finish,” sambit ni Ardina.

“But we have made the necessary adjustments over the weekend.”

Sa kabila ng kabiguang makasama sa Top 10 sa nakalipas na torneo, sinabi ni Superal na handa siyang makihamok para sa titulo at nakatayang premyo na P150,000.

“My game actually improved in the last two days at Greenfield and I hope to sustain it,” pahayag ni Superal.

“But I still have to fix and fine-tune some aspects of my game and hopefully, I can recall my form this week.”

Sasabak din sina Luisita leg winner Euna Koh of Korea, South Africa’s Madeleen Grosskopf at locals Anya Tanpinco, Apple Fudolin at dating leg winners Chihio Ikeda at Sarah Ababa.